
Lamas tinapay nauwi sa panghahalay, panadero tiklo
BUMAGSAK sa kamay ng Intelligence Section (IS) ng Caloocan police Sabado ng umaga sa Quezon City ang isang panaderong suspek sa panghahalay.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang suspek na isang Juver, 44, tubong Negros Occidental at kasalukuyang naninirahan sa Balintawak, Quezon City.
Sa report ni Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon si P/Maj. John David Chua, hepe ng Intelligence Section, kaugnay pananatili ni Ordinario sa tinutuluyang bahay sa Quezon City kaya’t ikinasa ang operasyon para maaresto ito.
Kasama sa umaresto ang mga tauhan ng District Intelligence Division ng NPD at 4th Mobile Force Company-Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO (MFC-RMFB).
Dakong alas-5:40 ng umaga nang madakip si Ordinario sabisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 131.
Naghihimas na ng selda ngayon ang suspek, ayon sa mga pulis.