Default Thumbnail

Lalaking tadtad ng tattoo lumutang sa Ilog Pasig

November 17, 2021 Francis Naguit 239 views

LULUTANG lutang nang matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na tadtad ng tattoo sa ilalim ng Delpan bridge na sakop ng Ilog Pasig, Baseco, Manila.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 anyos ang biktima at nakasuot ng itim na short pants.

Base sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang madaling araw nitong Miyerkules, isang concerned citizen ang nakakita na palutang-lutang ang biktima sa ilalim ng Delpan bridge at kaagad na inireport sa Philippine Coast Guard (PCG).

Kaagad naman iniahon ang bangkay bago pa man itinawag sa MPD-Headquarters upang marespondehan ang nasabing krimen.

Agad namang dinala at inilagak ang bangkay sa Cruz Funeral, Blumentritt, Rizal Ave, Sta. Cruz, Manila, para isailalim sa awtopsiya. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE