
Lalaking suspek sa 2 counts ng rape huli
NASAKOTE noong Lunes ng mga pulis ang isang suspek sa panggagahasa sa Brgy. San Jose, Rosario, Batangas.
Nahuli si alyas Andres bandang alas-6:50 ng gabi ng mga tauhan ng Rosario police kasama ang mga miyembro ng RIU 4A.
Nadakip siya sa bisa ng warrant of arrest para sa 2 counts ng rape na inisyu ni Executive-Presiding Judge Rose Marie Manalang-Austria ng Regional Trial Court Branch 87 ng Batangas.
Kasalukuyang nakadetine ang akusado.