Posas1

Lalaking me baril, walang papel timbog

August 10, 2023 Jojo C. Magsombol 172 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Timbog ang isang obrero sa pag- iingat ng baril at mga bala sa Purok 5, Bgy. Inosluban, Lipa City, Batangas.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, nakilala ang nanaresto na isang 21-anyos na binata, ng Villa sa Riles, Purok 5, Bgy. Inosluban.

Inaresto ng mga operatiba ng Lipa City ang suspek matapos mahalata na may sukbit na isang Armscor 202 caliber 38 revolver na may serial number 1398952 na kargado ng anim na bala.

Nabigo ang suspek na magpakita ng kaukulang mga dokumento para sa legalidad ng baril kaya inaresto at dinala sa istasyong ito para sa kaukulang disposisyon, ayon kay PSMS Rodel Rocafort, imbestigador ng kaso.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 or the “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang suspek.

AUTHOR PROFILE