Lalaking may asawa arestado sa acts of lasciviousness

October 24, 2021 Francis Naguit 358 views

NAHAHARAP sa kasong acts of lasciviousness ang isang 33-anyos na lalaki makaraang maaresto sa kanyang lugar sa Tondo, Manila, Sabado ng hapon

Sa halagang P33,000 ay maaring magkapaglagak ng piyansa ang suspek na nakilalang si Roland Tecson, jobless ng Bldg. 27 Unit 220 ,Vitas, Katuparan.

Ayon sa ulat na ibinigay ni P/ Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operations Unit ng Manila Police District kay MPD- District Director P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco, bandang 1:30 p.m. nang maaresto si Mendez sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Katuparan, sakop ng Brgy.101 Zone 9.

Ayon sa report ng pulisya, dala ng mga otoridad ang arrest warrant na inisyu ni Judge Eriza Pagat Pagaling – Zapanta ng Metropolitan Trial Court, Br.4 ng Manila.

Si Mendez ay nakabilang sa most wanted person sa Tondo Maynila, matapos maglabas ng arrest warrant laban sa kanya noong Oktober 18, 2021. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE