Hostage Mapayapang sumuko ang hostage taker sa mga pulis matapos ang humigit kumulang dalawang oras na negosasyon. Kuha ni JonJon Reyes

Lalaking hostage-taker sumuko sa Manila

February 18, 2025 Jonjon Reyes 331 views

SUMUKO ang isang hostage-taker matapos ang dalawang oras na negosasyon para palayain ang dalawang babaeng hostage sa loob ng printing press sa Recto corner Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila noong Martes.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang panghohostage ni alyas JonJon pasado alas-3:15 ng hapon.

May hawak na dalawang patalim ang suspek at hinostage ang dalawang biktima.

Naging mapayapa ang pagsuko nito sa mga kapulisan matapos ang negosasyon sa suspek sa pamumuno ni Police Lt.Co. John Guiagui ng DID-MPD.

Ayon kay Manila Police District chief P/BGen.Arnold Thomas Ibay, nang-hostage ang lalaki dahil hindi siya binabayaran sa mga ginawa niyang printing jobs.

AUTHOR PROFILE