Todas

Lalaki todas sa ex-jowa ng jowa

June 13, 2024 Edd Reyes 335 views

UTAS noong Miyerkules ang lalaki na sinaksak sa dibdib ng dating ka live in ng kanyang kinakasama sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital ang 43-anyos na biktima habang pinaghahanap ang 58-anyos na suspek, ayon sa mga pulis.

Sa report ng La Loma police station, nangyari ang insidente pasado alas-11:00 ng gabi sa Dagot St., Brgy. Manresa, Quezon City.

Ka live in ngayon ng biktima ang dating live in partner ng suspek.

Ayon sa isang saksi, natutulog siya ng magising dahil sa komosyon.

Nakita niyang lumabas ng kanilang bahay ang suspek na may dugo sa mukha at kamay habang hawak ang isang kutsilyo at mabilis na tumakas.

Nakita naman nilang naliligo sa sariling dugo ang biktima kaya isinugod sa ospital subalit binawian din ng buhay.

AUTHOR PROFILE