Default Thumbnail

Lalaki tinigok sa inuman

July 11, 2023 Gil Aman 162 views

PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng umano’y isang lasing na nakaalitan niya sa inuman Lunes ng gabi sa Bgy. Gatid, Sta Cruz, Laguna.

Kinilala ni Police Maj. Gabriel Unay, hepe ng Sta Cruz police, ang biktima na si Leonard Tencam, at residente sa nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya dakong alas 11:30 ng gabi ng maganap ang pamamaril habang nakikipag-inuman sa salarin.

Ayon sa report, bigla na lang dumating ang biktima sa inuman at doon na nakipagtalo sa suspek.

Ilang minuto ang nakalipas, bigla na lamang tumakbo ang biktima pero binaril na ng suspek.

Ayon naman kay Major Unay, tukoy na nila ang pangalan ng suspek at nakatakda na itong hulihin ano mang oras.

Isinailalim na rin ng Scene of the Crimes Operatives (SOCO) ang isinagawang imbestigasyon para malaman ang ginamit na baril sa pamamaril sa supspek.

AUTHOR PROFILE