Crime

Lalaki tinadtad ng bala sa Calamba, patay

August 21, 2023 Gil Aman 259 views

PATAY ang isang lalaki nang barilin habang naglalakad ng hindi kilalang salarin sa Bgy. Parian, Calamba City, Laguna Sabado ng hapon.

Sa report ni Calamba City Police chief PLt. Col. Milany Martirez kay Laguna Police Provincial OIC Director P/Col. Harold Depositar, kinilala ang biktima na si Jose Marie Catubig.

Namatay si Catubig dahil sa dami ng tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas 3:02 ng hapon naganap ang pananambang sa suspek habang naglalakad ito.

Inilarawan ang suspek na naka-itim na jacket, itim na t-shirt, maong na pantalon at medyo katamtaman ang katawan.

Ayon sa ibang saksi, may taas na 5’6″ at may edad mula 30 hanggang 35 ang suspek.

AUTHOR PROFILE