
Lalaki tiklo sa panghahalay
NADISKUBRENG may nakabinbing kaso ng panghahalay ang 44-anyos na lalaki kaya inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa noong Biyernes
Nakilala ang suspek na si alyas Randy ng Marikina City
Sa report ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang alas-11:00 ng umaga nang isilbi ang arrest warrant kay Randy.
Pinangunahan ni Police Captain Mel Soniega ang pag-aresto sa suspek dahil sa kasong rape o panghahalay.