
Lalaki tiklo sa nakaw na Xpander
ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang lalaki matapos marekober sa kanya ang Mitsubishi Xpander sa Monaco St., Brgy. Rosario, Pasig City noong Lunes.
Kinilala ang naaresto na si alyas JL, 25.
Pag-aari ni Yaeji Ko ang sasakyan na pinarada lang pero nawala.
Base sa imbestigasyon, bandang alas-8:30 ng gabi ninakaw abg sasakyan ng hindi kilalang lalaki.
Kumilos sina PLt. Carl Llyod Mupaz kaya narekover ang sasakyan.