Default Thumbnail

Lalaki tiklo sa baril, granada

June 13, 2022 Edd Reyes 244 views

NAGPOSITIBO ang impormasyong natanggap ng mga tauhan ng Caloocan Police kaugnay sa lalaking nag-iingat ng baril at granada matapos silang makakuha ng search warrant sa Caloocan Regional Trial Court (RTC).

Dinakip ng mga tauhan ni P/Col. Samuel Mina, hepe ng Caloocan police sa bisa ng search warrant ang suspek na residente ng Bgy. 73, Abbey Road 3, Samson Road matapos makumpiska sa kanyang tirahan ang isang homemade single shot caliber .380 pistola na may apat na bala at isang granada na nakabalot sa itim na electric tape.

Isinagawa nina P/Maj. Felipe Fermin Jr, commander ng Caloocan Police Sub-station 3 ang pagsalakay sa bahay ng suspek dakong alas-12 ng tanghali, araw ng Linggo, makaraang makakuha sila ng search warrant na ibinatay sa impormasyong ibinahagi ng kanilang confidential informant.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 28 ng RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunitions) at paglabag sa Section 3 ng RA. 9516 o ang Unlawful Possession of Explosive sa piskalya ng Caloocan City.

AUTHOR PROFILE