Patay

Lalaki pinatay sa bahay

January 4, 2025 Jojo C. Magsombol 112 views

BINARIL at napatay noong Lunes ng hindi nakilalang salarin ang 56-anyos na lalaki sa Dugay St., Brgy. Batingan, Binangonan Rizal.

Ayon sa kapitbahay na nakasaksi, napatay ang biktimang si Romano Ocampo Ardiser dakong alas-11:00 ng umaga habang nasa loob ng kanyang bahay.

Kaagad niyang tiningnan kung ano ang nangyari at nakita niya ang wala ng buhay na biktima at nakahandusay sa garahe.

AUTHOR PROFILE