Lalaki pinagsasaksak ng walang dahilan, kritikal
KRITIKAL ang isang 27-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin sa kanyang likod habang nakatayo sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard o kilala bilang Road 10 sa Katuparan, Brgy. 101, Tondo, Manila, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Cliford Nate Mariano, 27, katulong, naninirahan sa Sitio Sto Nino, NBBS, Proper Navotas City.
Base sa salaysay ng saksi, nakatayo sa center island ang biktima bandang 9:30 a.m. nang sumulpot ang suspek na nakilala lamang na Marvin at pinagsasaksak ito ng walang dahilan.
Mabilis tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na patalim.
Isinugod ang biktima sa Tondo Medical Hospital para sa agarang atensiyon medikal ni Dr. Micheal Hundana. Itinawag sa telepono ni Kenneth Ponly Security Guard ng nasabing pagamutan ang insidente sa himpilan ng MPD PS.1,
Patuloy ang ginagawang follow-up operation ng mga kapulisan ng Smokey Mountain PCP sa pangunguna ni PMaj. Geo Colibao para sa pag-aresto sa suspek.