Crime

Lalaki patay sa pamamaril sa QC

October 12, 2023 Melnie Ragasa-limena 748 views

DEAD-on-the spot ang isang lalaki matapos barilin ng apat na beses ng dalawang salarin sakay ng motorsiklo habang nakikipag inuman sa Quezon City noong Huwebes.

Kinilala ang napatay na si Delfin Manalo, 52, ng Sto Cristo St., Barangay Balingasa.

Nakikipag inuman si Manalo sa kanyang mga kaibigan bandang 1:00 ng madaling araw nang dumating ang mga suspek.

Habang kasarapan ng inuman, bumaba ang angkas ng motorsiklo at binaril si Manalo ng apat na beses. Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Narekober ng pulisya ang apat na basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.