Lalaki natalo ng P32K sa online sabong, nagbigti

January 13, 2022 Jonjon Reyes 287 views

SINASABING dahilan ng pagkatalo sa online sabong (talpak) ang nag-udyok upang kitilin ang sariling buhay ng isang 28 anyos na delivery boy sa Sta. Ana, Manila, Huwebes ng umaga.

Naisugod pa ang biktima sa Sta. Ana Hospital, pero idineklara ng doctor na si Dr. Deogracias Gonzales na “dead on arrival” na ang biktima.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Dennis Suba kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang 8:00 ng umaga nang madiskubreng nakabitin ang biktima sa kanyang bahay sa Brgy. 873 Zone 96, Sta. Ana, Manila.

Batay sa imbestigasyong nakalap ni Det. Suba, sinasabing natalo umano ng P32,000 ang biktima sa online sabong na kinagigiliwang sugal ngayon.

Gayunman, naniniwala naman ang nakakatandang kapatid ng biktima na wala naman umanong foul play sa nasabing insidente, kaya gumawa ito ng salaysay na hindi na dapat pang imbestigahan. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE