Lalaki Ang biktima na natagpuan sa loob ng van na isinugod ng mga pulis sa ospital kung saan idineklarang patay na. Kuha ni JONJON REYES

Lalaki natagpuang patay sa van

June 14, 2024 Jonjon Reyes 163 views

WALA ng buhay ng matagpuan ang isang lalaki sa loob ng minamaneho niyang L300 van na nakaparada sa Ramon Magsaysay Boulevard at Pureza St., Sampaloc, Maynila noong Biyernes.

Nakilala ang biktima na si Redentor Galura, tinatayang 50 hanggang 60-anyos.

Ayon sa salaysay ng isang Ricky Cureg, bandang alas-8:45 ng umaga ng madiskubreng tigok na ang lalaki sa loob ng puting van.

Nagresponde sina Police Corporal Subido at Patrolman Sumer Lacson at dinala sa Sampaloc Hospital ang biktima.

Pero dakong alas-9:45 ng umaga ideklarang dead-on-arrival ang biktima ni Dr. Ali Esguerra, ang attending physician.

AUTHOR PROFILE