
Lalaki nasakote sa 15 high caliber na boga
ARESTADO ang lalaking nag-iingat ng 15 high-caliber na mga baril noong Huwebes sa mga alagad ng Criminal Investigation and Detection (CIDG) ng Philippine National Police sa Gen. Trias, Cavite.
Sa report ni PLt. Bryan Dexter Andulan, Cavite provincial officer, nakilala ang suspek na si alyas Cenon na inaresto dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Naaresto ang suspek dakong alas-8:35 ng gabi sa Block 5, Lot 48, Dahlia St., Le Rica Homes, Bgry. San Francisco, Gen Trias City, Cavite.
Ang suspek sinasabing naglalagay ng tampering na serial numbers saka ibinebenta ang mga baril.