MPDPS2

Armadong lalaki nanghamon ng away, timbog

September 11, 2022 Jonjon Reyes 120 views

BINITBIT ng mga tauhan ng Asuncion Police Community Precinct ng Manila Police District- Station 2 ang isang armadong lalaki dahil umano nanghamon sa gitna sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.

Nakilala ang suspek na si Alover Garzola, nasa hustong gulang at residente ng Tondo.

Base sa ulat na isinumite ni PCpl. Richard Panaga, may hawak ng kaso, kay Police Lt.Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, ang insidente ay naganap bandang 3:30 a.m.

Ayon kay Police Lt.Col.Lorenzo, isang concerned citizen ang nagtungo sa tanggapan ng Asuncion PCP upang ireport ang pagwawala ng isang lalaki na palakad lakad sa kahabaan ng Sto. Niño St. sa Tondo.

Dito na rumesponde sina PCpl. Nervin Nickson Sacote at PCpl. John Michael Dela Cruz at namataan nila si Garzola sa panulukan ng Moriones sa Barangay 37.

Nilapita ng mga awtoridad ang suspek na may 9MM na may anim na bala.

Dinisarmahan agad ang suspek at pinosasan

Dinala muna sa ospital ang suspek para sa medical checkup bago ito itinurnover sa nasabing himpilan ng pulisya.

Si Garzola ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Illegal Possesion of Firearm and Ammunition at RO 844 (Breach of Peace)

Pinuriat pinasalamatan ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang dalawang pulis sa mabilis na aksyon.

AUTHOR PROFILE