Default Thumbnail

Lalaki nakitang patay, hubo’t hubad sa Manila Bay

September 23, 2022 Jonjon Reyes 327 views

IPINALALAGAY na sadyang pinatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki, makaraang matagpuang hubo’t hubad at paagnas na ang katawan habang palutang-lutang sa breakwater ng South Bucay, Manila International Container Terminal (MICT), sa Port of Manila sa Tondo.

Batay sa naging imbestigasyon ni Det. Charles dela Torre ng Manila Police District (MPD) Homicide Section na isinumite kay P/Lt. Dennis Turla, bandang 12:30 ng hapon nang mamataan ng isang sikyu ng MICT na nakaipit sa mga batuhan sa breakwater ang biktima.

Ayon pa sa sikyu, itinawag niya ito kaagad sa Philippine Coast Guard (PCG) ang nakitang biktima sa breakwater.

Nabatid na hindi na halos makilala ang biktima dahil humihiwalay na ang balat nito sa katawan niya at namamaga na.

Inilarawan ni Dela Torre ang biktima may taas 5’3, at may limang dots na tattoo sa kanang braso, at hindi na halos makilala ang mukha.

Gayunman, ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya at para alamin ang pagkakakilanlan nito.

AUTHOR PROFILE