Default Thumbnail

Lalaki nakaladkad ng tren, dedo!

February 1, 2023 Jonjon Reyes 259 views

WASAK ang kanang bahagi ng ulo at tapyas ang paa ng isang lalaki makaraang makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) 11 a.m. ng Miyerkules sa Tondo, Manila. sakop ng Barangay 221- Zone 21 sa A. Lorenzo Street dating Batangas Street Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit, ang tren na may body number 1101 aay patungong Bicol nang mahagip nito ang biktima.

Ayon sa isang testigo, nakatayo at nasa tabi ng riles ang biktima nang mahagip ito ng dumadaang dambuhalang tren.

Nakalampas na umano ang tren, subalit nasagi ang biktima sa bandang hulihan ng sasakyan.

Nahagip ang biktia at tumama ang ulo nito sa riles kung kaya’t nahati ang kanan nitong mga daliri sa paa.

Nakikipag-ugnayan na ang mga kapulisan kung may maibibigay na tulong ang pamunuan ng PNR at sa pamilya ng biktima.

AUTHOR PROFILE