Ang wala ng buhay na biktima matapos mahulog mula sa crane dahil sa lakas ng hangin sa Tondo, Manila.
Lalaki nahulog sa crane, todas
PATAY ang isang crane operator nang mawalan ng balanse habang nagkakarga ng container van sa loob ng compound ng Brightpoint Logistics Corp. sa Manila Harbour Center sa Tondo, Manila noong Huwebes
Nakilala ang biktimang si Randy Transmanio, base sa ulat ni Police Master Sergeant Archie Victorino ng Manila Police District-Homicide Section.
Naganap ang insidente bandang alas-12:00 ng tanghali.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-ooperate ng crane ang biktima nang mawalan ng balanse dahil sa malakas na hangin at tuluyang nahulog.