Default Thumbnail

Lalaki nahulihan ng P265K cocaine

January 26, 2022 Melnie Ragasa-limena 336 views

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaking itinuturing na regional priority target drug personality at nakumpiskahan ng may P265,000 na halaga ng cocaine sa isang buy-bust operation sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni PLt. Col. Ritchie R Claravall, Station Commander ng Masambong Police Station (PS 2), ang suspek na si Edward Victorio, 34, residente ng Baesa Compound, Brgy. Baesa, Quezon City.

Batay sa ulat ng PS 2, naaresto ang suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw (January 25) sa harapan ng isang restaurant na matatagpuan sa West Avenue, Brgy. Nayong Kaunlaran, sa lungsod.

Una rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t agad na nagkasa ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang sa 50 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P265,000 at buy-bust money.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.