Magnanakaw Kinakausap ni Police Lt. Col. Nelson Cortez ang suspek na natimbog dahil sa pagnenenok ng manhole pagdadala ng sumpak sa Malate, Maynila. Kuha ni JONJON C. REYES

Lalaki nagnenok ng takip ng manhole, kulong

February 22, 2024 Jonjon Reyes 127 views

SWAK sa selda ang isang lalaki dahil sa pangnenenok ng takip ng manhole at sumpak sa Singalong St. sa may kanto ng Dagonoy St., Malate, Maynila noong Miyerkules.

Base sa report ni Police Lt. Col. Nelson Cortez ng Manila Police District-Malate police station 9, bandang alas-9:00 ng umaga nang maaktuhan ng mga barangay tanod si alyas Fernando, 31, habang hila ang isang trolley na may bag sa nasabing lugar.

Dito na nadiskubre ang dala nitong nakaw na manhole at isang sumpak na may kargang bala.

Agad siyang dinala sa himpilan ng pulis at ngayo’y nahaharap sa kasong theft at paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearm.

AUTHOR PROFILE