Default Thumbnail

Lalaki nagligtas ng tropa nakuryente, todas

June 13, 2024 Jojo C. Magsombol 242 views

TODAS kamakalawa ang lalaki matapos mailigtas ang kasamang nakuryente habang nag-aayos ng kable ng kuryente sa Block 53, Lot 108, Narra St., Metro Manila Hills, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Kasalukuyang ginagamot ang nakaligtas na si Edilberto Ganace, Jr. sa ospital, ayon sa Rodriguez police at nakilala ang nasawi na si Jaime Andoyo Luaya.

Ayon sa imbestigasyon, nag-aayos ng kable ng kuryente ang dalawa nang hindi sinasadyang nahablot ni Ganace ang isang live wire kaya biglang nangisay.

Nailigtas ni Andoyo si Ganace pero sa kasamaang palad siya naman ang nakuryente kaya sinawing-palad na mamatay.

Dinala ang mga biktima sa Casimiro Ynares Hospital sa Brgy. Burgos pero sa kasamaang palad, dead-on-arrival na si Andoyo, ayon kay ni Dr. Elmer Alisangco, ang attending physician.

Inilipat sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ang nakaligtas at doon nagpapagaling.

AUTHOR PROFILE