Crime

Lalaki naglalakad binoga, tigok

June 24, 2024 Jojo C. Magsombol 287 views

DEDBOL ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa Palmera Subdivision, Woodland Avenue, Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal noong Biyernes.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon naglalakad si alyas Jonathan sa subdivision nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Tumakas ang suspek patungo sa hindi natukoy na lugar matapos ang pamamaril.

Nagsasagawa na ang Rizal Provincial Forensic Unit (PFU) ng dragnet operation, follow-up investigation at CCTV backtracking para makilala ang suspek.

AUTHOR PROFILE