Default Thumbnail

Lalaki nagbigti gamit ang electrical cord sa Tondo

September 10, 2022 Jonjon Reyes 301 views

ISANG 24-anyos na lalaki ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng isang electrical cord sa Tondo, Maynila araw ng Biyernes.

Ayon kay P/Lt. Dennis Turla, bagong hepe ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), ang biktima ay isang binata at “jobless”.

Ayon sa tiyuhin ng biktima, napansin nito na balisa at tila may malaking problema na ayaw sabihin sa kanya.

Pasado alas-10 ng umaga araw ng Biyernes (Setyembre 9) nang matagpuan ang katawan ng binata na nakasabit ang leeg nito gamit ang electrical cord sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Agad namang nagtulong-tulong ang mga residente at inalis sa pagkakasabit nito at agad na dinala sa Gat. Andres Bonifacio Hospital subalit idineklarang “dead on arrival” ito ng mga attending physician.

AUTHOR PROFILE