Posas

Lalaki nag-tamper ng credit cards tiklo

February 20, 2024 Jonjon Reyes 252 views

INARESTO ng mga National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) agents ang isang lalaki dahil sa pangta-tamper ng credit cards sa Paranaque City.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Abapo Arellano.

Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Banco de Oro (BDO) Unibank tungkol sa big-time card switching scheme.

Ayon pa sa BDO, isa sa mga courier ang nagsumbong na nag-aalok ng mga credit card kapalit ng pera sa isang delivery courier service ang mga sindikato.

Hiniling ng scheme member na magkita sila ng suspek sa isang gasoline station sa Paranaque City.

Dito na nagsagawa ng isang surveillance operations ang mga operatiba ng CCD at nasaksihan ang transaksyon ng suspek at ang delivery courier na humawak sa tampered credit card na idedeliver sa mga may-ari.

Hindi batid ng courier na mga tampered ang kanyang hawak na credit card.

Ipinagbigay alam ng BDO sa NBI-CCD na na-activate ang mga credit card at ginamit sa multiple transactions sa Sorsogon.

Noong Pebrero 15, hiniling ng suspek sa delivery courier para sa karagdagang BDO credit card.

Dito na nagsagawa ng entrapment ang mga NBI agents sa pakikipag-ugnayan sa BDO at delivery courier service at kinatawan ng BDO at noo’y naaresto ang suspek.

Nagsagawa din ng follow up operation para halughogin ang sasakyan ng suspek kung saan narekober ang credit card na may pangalang Christine Vasquez.

Isinurender din ng maybahay ng suspek ang bag nito na naglalaman din ng mga credit cards.

Inimbitahan naman ng NBI-CCD ang deliver courier na kapatid ng suspek para sa pagtatanong.

AUTHOR PROFILE