Default Thumbnail

Lalaki na-sandwich sa 2 truck, patay

March 31, 2022 Jonjon Reyes 291 views

NAGMISTULANG sandwich ang isang 32-anyos na lalaki makaraang mapitpit ng dalawang dambuhalang trak habang nagkakabit ito ng GPS (global positioning satellite) sa likuran ng isa sa mga behikulo, sa Port Area, Manila, Huwebes ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Jay Mark Kee, ng 118 Unit 8, Gen Tinio St., Brgy 132,Bagong Barrio, Caloocan City.

Samantala, nasa kustodiya na ng Manila District Traffic Enforcement Unit ang dalawang driver na sina Marvin Canuel, 25, ng Maragondon, Cavite at Mateo Solano Jr., 34, ng Sucat, Muntinlupa City.

Base sa ulat ng pulisya, magkasunod na nakaparada ang Fuso trailer truck na minamaneno ni Solano at Isuzo trailer truck ni Canuel sa may Delgado Street malapit sa panulukan ng 24th St., sa Port Area, Maynila nang maganap ang insidente , bandang 8:30 a.m. at naireport lamang ito dakobg 12:20 ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya , nagkakabit umano ng GPS sa bandang likuran ng trak ni Solano , ang biktima nang sumampa sa kaniyang trak si Canuel. Bigla umanong umabante ang nasa hulihang trak dahilan para mapitpit si Kee sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Isinugod pa ng ATI AEROMED Ambulance sa Philippine General Hospital si Kee ngunit pagdating ay idineklara nang walang buhay ni Dr. Ferdiliza Iringan. Ni JON-JON C. REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE