
Lalaki himas rehas sa rape, sexual assault
NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang lalaking akusado na ng statutory rape at inaresto pa uli dahil sa dalawang counts ng sexual assault sa custodial facility ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Northern District Field Unit sa Northern Police District noong Martes.
Sa ulat kay MPD chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay mula kay P/Lt. Col. John Guiagui, nakilala ang suspek na si alyas Ardie, 45.
Si P/Capt. Joel Aquino ang isa sa mga humuli sa suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Branch 6, Family Court ng Manila.
Biktima ng suspek ang kanyang stepdaughter na menor-de-edad, ayon sa report.