Crime

Lalaki dinamitan ng bala, patay sa 4 na tama

December 19, 2023 Jonjon Reyes 413 views

DEAD-on-spot ang 46-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakikilalang suspek noong Lunes sa San Pedro St., Brgy. 142, Balut, Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima sa alyas Joel Blandy ng Banahaw St., Balut, Tondo.

Base sa ulat ni Det. Irene Jay Manalili, bandang alas-11:00 ng gabi nang barilin anh biktima.

Ayon sa imbestigasyon, biglang sumulpot ang suspek sa crime scene at sunod-sunod na binaril ang biktima sa ibat-ibang parte ng katawan. Patay ang biktima sa 4 na tama ng bala.

Dumating ang mga miyembro ng Manila Police District Homicide Section kasunod ang Scene of the Crime Operatives-Forensic Unit sa pangunguna ni Police Captain Giovanni Bringuez.

Matapos ang pagsisiyasat, narekober ang mga basyo ng bala sa crime scene.

AUTHOR PROFILE