Lalaki dedo sa ambush, 2 sugatan sa ligaw na bala sa Tondo

November 2, 2021 Francis Naguit 71 views

ISA ang patay habang dalawa ang sugatan nang pagbabarilin ng isang lalaki sa Tondo, Maynila kagabi.

Kinilala ang napatay na biktima na si Abigail Bolo,21,construction worker. Kasalukuyang naka-confine sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang sugatan na sina Alia Rose Balondo,21; at Shienne Chill Galla,13.

Habang isinusulat ang ulat na ito patuloy pa rin ang pagtugis ng mga awtoridad sa nakatakas na suspek na nakilalang si Jerish Reyes,22,binata, walang trabaho.

Base sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng MPD-homicide section,na ibinigay kay MPD District Director , P/ B.Gen.Leo ” Paco ” Francisco, naganap ang nasabing pamamaril Lunes bandang 7:50 p.m. sa isang eskinita ng Purok 3,Isla Putting Bato, Tondo.

Nauna rito, ang nasawing biktima kasama ang testigo na si Mariana Oblanca ay binisita ang kanyang live-in partner na si Winnie Firmeza sa nasabing lugar nang sumulpot ang suspek sa isang iskinita na armado ng di pa batid ng kalibre ng baril.

Pinaputukan umano ng suspek ang biktima sa leeg at dalawang beses sa tiyan.

Tinangka pang tumakbo ang biktima ngunit muli siyang pinaputukan ng suspek dahilan para tamaan naman ng bala ang dalawa pang sugatan.

Bagamat kapwa naitakbo sa ospital, hindi na nakaligtas si Bolo. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE