Lalaki binenta nobya online sa halagang P6.5K

October 4, 2022 Melnie Ragasa-limena 74 views

ARESTADO ang isang lalaki matapos na ibugaw at ibenta online sa halagang P6,500 ang kaniyang nobya at isa pang babae sa Quezon City.

Ang suspek (di pinangalanan) ay nadakma sa ikinasang entrapment operation ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Quezon City Police District (QCPD), sa Kalayaan Avenue sa lungsod.

Ayon kay QCPD-DSOU, chief, PLt. Col. Colonel Rolando Lorenzo Jr., nakatangap sila ng impormasyon kaugnay sa pamumbugaw ng suspek sa mga babae ng tig-P6,500, kabilang pa ang kaniyang nobya sa online.

Batay umano sa pakikipag-usap ni Lt. Col. Lorenzo sa mga biktima, sa halagang P6,500 ay napupunta sa kanila ang P3,500 at P3,000 naman sa suspek.

Inihahanda na ang kasong mga paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Cybercrime Prevention Act, at Anti-Violence Against Women and Their Children Act laban sa suspek.