lalaki Nakahandusay sa kahabaan ng Presideng Quirino Avenue sa Malate, Manila ang lalaking binaril habang kinirdon agad ng mga pulis ang lugar. Kuha ni JONJON C. REYES

Lalaki binaril sa ulo sa Malate, kritikal

August 28, 2021 Francis Naguit 1333 views

KRITIKAL ang isang lalaki matapos barilin sa ulo habang naglalakad sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Malate, Maynila.

Sa ulat ng MPD-PS 9 nakilala ang biktima na si Ronald De Silva,25, walang asawa, at residente ng 72334 Dama De Noche St, Singalong, Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad sa kahabaan ng Quirino Avenue kanto ng Maginhawa St., pasado alas tres Biyernes ng hapon ang biktima nang lapitan siya ng hindi nakilalang suspek na nakasuot ng black short pants, black long sleeve na may hood at black bull cap.

Agad binaril sa ulo ang biktima bago kaswal lang na naglakad palayo sa lugar ang suspek patungo sa Leveriza St.,Malate, para tumakas .

Inoobserbahan pa sa Ospital ng Maynila.

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa insidente para sa ikadarakip ng salarin.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang isang pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE