
Laguna PNP nagturo sa pagdala ng baril
Kasama si GIL AMAN
NAGKAROON ng lecture ang Laguna Police Provincial Office (LPPO) kasama si P/Col. Ricardo Dalmacia, acting provincial director, tungkol sa mga alituntunin sa pagbabawal sa paggamit at pagdadala ng baril sa panahon ng halalan noong Enero 17 sa Camp BGen. Paciano Rizal sa Sta. Cruz, Laguna.
Ang lecture isinagawa upang paalalahanan ang lahat ng miyembro ng Laguna police hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa panahon ng eleksyon.