Lagman kay SFMR: Salamat sa tulong
Solon nagpasalamat kay Speaker Romualdez, DSWD sa ayuda sa Albay
NAGPASALAMAT si Albay Rep. Edcel Lagman sa tulong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang mga kababayan.
Bukod kay Romualdez ay pinasalamatan din ni Lagman si Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian.
“I thank Speaker Martin Romualdez and DSWD Secretary Rex Gatchalian for ensuring the timely assistance to evacuees and other affected families in the wake of Mayon’s volcanic outbursts,” ani Lagman.
Nauna rito, inasikaso ng tanggapan ni Romualdez ang pagpapadala ng tig-P1 milyong tulong sa tatlong distrito ng Albay. Sa halagang ito, P500,000 ang cash at ang nalalabi ay in-kind.
Nakipag-ugnayan din ang tanggapan ni Romualdez sa DSWD upang mabigyan ng tig-10 milyong cash assistance ang tatlong distrito ng probinsya.
“The people of the First District of Albay join me in expressing our deep appreciation for their prompt and generous assistance in our time of need,” sabi pa ni Lagman.