Arrested Ang mga hinihinalang miyembro ng Laglag Barya Gang na naaresto ng bike patrol unit ng Manila Police District sa pamumuno ni MPD Director PBGen. Andre P. Dizon. Mga kuha ni JON-JON C. REYES

Laglag Barya Gang timbog ng bike patrol unit ng MPD

March 27, 2023 Jonjon Reyes 822 views

NAGING matagumpay sa unang pagronda ng mga bike patrol unit ng Manila Police District sa pamumuno ni MPD Director PBGen. Andre P. Dizon makaraang masabat ang limang hinihinalang miyembro ng Laglag Barya Gang Lunes nga umaga sa Taft Avenue malapit sa Pablo Ocampo Street, Malate, Manila umaga nitong lunes.

Kinilala ni “The Game Changer General” PBGen. Dizon ang mga suspek na sina Harold Royola, 37, binata; Sputnik Gang member; Ian Manalang, 38; Pepito Villanueva Jr., 50 ; Ireneo Ginzales, 48 at Renan Encarnacion, 36.

Una rito, humingi tulong ang isang 37-anyos na seaman na tubong Madua, Norte Duero Bohol at nanunuluyan sa Harrizon ,Pasay City, at isang 45-anyos na residente ng Summer Hill Subdivision, Molino-4, Bacoor, Cavite City.

Sa salaysay ng dalawang biktima, lulan sila ng isang pampasaherong jeep na biyaheng Quiapo at Baclaran nang mag-abot ng pamasahe ang isa sa suspek.

Nang mahulog ang barya ay nagmagandang loob ang isa sa biktima na pulutin ito.

Dito na kinuha umano ng isang suspek ang wallet at mobile phone ng biktima.

Nang napag-alaman ng biktima na nawawala ang kanyang wallet at cellphone ay agad itong humingi ng tulong sa Adriatico PCP MPD Malate Police Station.9

Agad inatasan ni PLt.Col. Salvador Tangdol ang pamunuan ng Adriatico PCP sa pangunguna ni Police Captain Devmie Baquiran na magsagawa ng follow-up operation katulong ang mga romorondang bike patrol unit ni General Dizon agad na nag sagawa ng follow up ang mga kapulisan..

Nasukol ang mga suspek at narekober ang wallet at celfone ng isa sa biktima.sa kahabaan ng Taft Ave. corner P.Ocampo Street.

Bukod dito , nakarekober pa ng iba’t ibang ID at cash na P1,400 na pagmamay-ari ng seaman. Nakuha rin sa isa sa mga suspek ang Xiaomi cellphone na nagkakahalaga ng P 20,000.

Ayon kay PBGen.Dizon,patuloy silang magroronda gamit ang kanilang mga bisikleta kasama ang bike patrol unit upang maiwasan ang krimen sa kalye.

AUTHOR PROFILE