Laging handa
PARA ngang boy scouts na laging handa ang mga kelot sa tuwing nagpaparamdam sa social media ang Vivamax actress na si Jenn Rosa.
Kaya nang tanungin ng sexy star ang mga followers niya ng, “Are you ready for it?,” agad na naglipana ang mga ito na tila sabik na sabik sa kanyang patakam.
Sino ba namang aayaw kapag nasulyapan na ang newest patakam na post ni Jenn sa Instagram?
Makikita nga sa larawan ang walang saplot pero nakatalikod na hot actress. Makikita ng bahagya ang side boob ng bebot at ang nagsusumigaw na ganda ng hubog ng katawan nito.
Nakadagdag din sa kanyang hotness ang mga tattoo nito sa likod.
Maging ang wetpaks nga niya ay pinagkaguluhan dahil bumulaga sa suot na T-back na panty.
Humarap man o tumalikod, may “blessing” na kayang i-share si Jenn na ikatutuwa ng kalalakihan. Patok ang kanyang mga tambok sa harap man o sa likod.
Hindi nga mga kamay ng mga barako ang tumayo para saluduhan siya, kundi ang mga “sundalong” nasa loob ng kanilang zipper.
Tinadtad ng heart at fire emojis ang sexy photo ni Jenn. Walang kalaban-laban ang post niya sa papuri ng kanyang followers sa comment section.
Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).