Lacuna Makikita ang turnover ceremonies ng holding areas sa Abad Santos General Hospital na represented ni Dr. Merle Sacdalan-Faustino, (naka-PPE uniform), hospital director. Ang mga tents, linoleum at frame braces ay dinonate ng PGFlex Umbra & Maruyama, FFCCCII na represented ni Nelson Guevarra, VP for External Affairs, Chairman Jefferson Lau, Jaime Ching at mga special guests na sina Vice Mayor Honey Lacuna at Manila (3rd District) Cong. Yul Servo. Kuha ni JON-JON REYES

Lacuna, Servo di pababayaan mga Batang Mayanila

September 24, 2021 Francis Naguit 409 views

NANGAKO sina Vice Mayor Homey Lacuna at Deputy Majority Leader, Cong.Yul Servo natuloy ang pag-aalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga Batang Maynila laban sa COVID-19.

Ito ang mensaheng ipinarating ni Lacuna at Servo matapos maghandog ng tanghalian ang kongresista sa kanyang mga kabarangay sa Brgy. 202-A at pang-hapunan sa Brgy. 230 na parehong nasa Tondo, Manila.

Katuwang si Manila Mayor Isko Moreno, sina Lacuna at Servo ay nangakong mapapanatiling alaga ang Lungsod ng Maynila at hindi nila ito papabayaan lalo na ngayon panahon ng pandemya.

Sinabi rin ninan Lacuna at Servo na bubusugin nila ng pagaaruga at pagmamahal ang lungsod tulad ng ginagawa ni Moreno Domagoso sa mga Batang Maynila.

“Sa ngalan ni Mayor Isko Moreno, Vice-Mayor Dra. Honey Lacuna, at grupong Asenso Manileño, ikinagagalak namin maglingkod anumang panahon para sa mga Manilenyo. Maraming salamat po,”ani Servo.

Kasabay nito ay nagsagawa ng disinfection laban sa COVID-19 sa Cecilio Apostol Elementary School sa Sta. Cruz, Manila noong ika-23 ng Setyembre, 2021.

“Lubos ang pasasalamat namin kay Principal Rosmito Rodriguez Jr. kasama ang kanilang mga opisyal sa pag-gabay at pagsama sa aming staff upang mag-misting sa bawat sulok ng inyong paaralan. Panatilihin nating malinis at maayos ang ating kapaligiran. Sundin ang social distancing at ugaliing maghugas ng kamay upang makaiwas sa mas lumalala at umiigting na sakit na ito,”dagdag ni Servo.

Sinabi rin ni Servo na kanilang inaksyunan at binigyang prioridad ang kahilingan ng 11 na Manilenyong nangangailangan ng kagamitang medikal sa kanyang distrito.

“Nagbahagi tayo ng nebulizer, stethoscope, at spyghmomanometer para matugunan ang kanilang problemang pangkalusugan,” aniya.

Samantala, kabilang sa mga naging proyekto nina Moreno, Lacuna at Servo ay ang paglulunsad ng adult at pediatric isolation area sa parking area ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH). Ito ay ipinagkaloob ng Lungsod ng Maynila sa tulong ng alkalde, vice mayor,Servo, Jefferson Lau, Chairman ng Barangay 281; Steven Yap, Chairman ng Barangay 282; Nelson Guevarra ng PG Flex Philippines, Jaime Ching at ang mapagkawang-gawang organization na Bei Shi Shuan Yun Qun. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE