Lacuna MAGHAHAIN NG COC BILANG ALKALDE AT BISE ALKALDE NG MAYNILA – Sina Manila Vice Mayor Honey Lacuna at 3rd District Rep. Yul Servo Nieto habang nagbibigay ng panayam kaugnay sa kanilang mga gagawing programa sa Lungsod ng Maynila bago maghain ng kanilang COC sa Aroceros Lawton, Ermita, Manila. Kuha ni JON-JON REYES

Lacuna, Nieto sa Lunes maghahain ng COC bilang alkalde, bise ng Maynila

October 2, 2021 Francis Naguit 301 views

Personal nang maghahain ng certificate of candidacy (COC) sina Manila Vice Mayor Honey Lacuna at 3rd District Rep. Yul Servo Nieto bilang mga alkalde at bise alkalde sa Lungsod ng Maynila.

Sa araw ng Lunes, magtutungo sila sa Aroceros Lawton, Ermita. Manila kung saan nakatakdang maghahain ng kani-kanilang mga COC sina Lacuna at Nieto upang ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulang mga proyekto ng kasalukuyang Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na tatakbo naman bilang pangulo ng Pilipinas sa Mayo 2022 election.

Nais ni Lacuna at Nieto na ituloy ang mga proyekto ni Moreno tulad ng mga Tondominium sa Tondo, Binondominium sa Binondo at Condominium sa Pedro Gil St, Paco, Manila, kabilang din ang mga pabahay sa Baseco, at magagandang mga lansangan at parke sa lungsod.

Sinabi din ni Lacuna na itutuloy at palalakasin pa niya ang mga social services o serbisyong panlipunan para sa mga senior citizen, solo parent, PWD at iba pang mga tinatamasa ngayon ng mga Batang Maynila, maging ang mga programang pangkalusugan.

Kabilang din sa mga programa nina Lacuna at Nieto ay ang mga renovations sa mga pasyalan sa Maynila. Ang Manila Zoo na napabayaan noon ay gagawing mala Singapore sa sususnod na taon, at maging ang mga pagamutan sa anim na distrito ay kanilang pananatilihing maayos, malinis at kapaki-pakinabang sa mga mamamayan at kalapit lugar ng nasabing lungsod.

At pagdating naman sa mga patakaran sa lungsod na inilunsad at laging tagubilin ni Moreno ay kanya itong ipagpapatuloy, ani Lacuna

“Hindi porke babae ako kaya nila akong tolongesin. Diyan sila nagkakamali. Kung ano man ang nasimulan ay aking ipagpapatuloy para sa kapakanan ng bawat isa, higit sa lahat para sa mga Batang Maynila,” sabi ni Lacuna.

Kasabay nito ay nagpaabot naman ng taus pusong pasasalamat si Lacuna sa Indian community kasama ang Rotary Club ng Mabini, matapos na maghandog ng 100 sako ng bigas.

Ilalaan ang mga ito sa mga naapektuhan ng granular lockdown sa lungsod, aniya. “Tuloy tuloy po ang ating bilis kilos na pagbabayanihan para sa kaligtasan ng mga Batang Maynila,” sinabi niya. NINA FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE