Default Thumbnail

Lacuna namigay ng tig-P10K sa fire victims

July 4, 2023 Edd Reyes 208 views

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga biktima ng sunog sa iba’t-ibang barangay sa Maynila Martes ng umaga.

Ayon kay Manila Public Information Office (MPIO) head Atty. Princess Abante, umabot sa 131 pamilya ang nakatanggap ng tig-P10,000 tulong pinansiyal sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na pinamumunuan ni Director Asuncion “Re” Fugoso.

“Unang una po, ipinararating ko po ang aking pakikiramay sa mga nasunugan.

Medyo marami-rami rin pong barangay. Ang importante naman po diyan pagkatapos po ng sakuna ay nakakabangon naman po tayong muli at ang inyo naman pong pamahalaan ay hindi po titigil para makatulong sa inyo,” pahayag ni Mayor Lacuna-Pangan.

“Ang akin lang pong paalala, maging aral po sana ito sa ating lahat. Wala naman pong may gusto na masunugan, hindi naman po siguro sinasadya na masunugan po tayo, pero paalala lamang po lagi ho tayong mag-iingat at pag sa ganito pong sitwasyon, lagi po niyong uunahin ang inyong pamilya.

Ang mga gamit po, mapapalitan at mapapalitan ‘yan, itong buhay, hindi,” dugtong pa ng alkalde.

AUTHOR PROFILE