Lacson

Lacson: Leni dapat mag-GMRC class

April 2, 2022 Lee Ann P. Ducusin 477 views

TILA sinunog ni Ping Lacson ang political analyst na si Richard Heydarian na kilalang taga-suporta ni Leni Robredo, matapos nitong batikusin ang senador sa pagtanggi nitong umatras sa kanyang kandidatura bilang pangulo.

Sa kanyang tweet, tila nagpahiwatig si Heydarian na dapat nang umatras si Lacson para maipanalo si Robredo.

“Speaking of GMRC, didn’t Senator L (Lacson) say na later on dapat mag unify mga alternative candidates behind the best performing one, which is obviously Leni!!? So ano na!??” ayon sa post ni Heydarian.

Pero tila hindi ito nagustuhan ni Lacson at ibinuking pa niya na si Robredo ang may problema kaya hindi nagkaroon ng kasunduan para sa isang “unifying” candidate. Pinayuhan pa niya si Heydarian at Robredo, maging si Lito Atienza na naunang bumanat kay Lacson na umatras, na dumalo sa GMRC (good moral and right conduct) class.

“I made that offer in all sincerity. Your principal (Robredo) rejected it citing a reason which she later contradicted. Invite her (Robredo) to join you (Heydarian) and Atienza in attending the GMRC class because you all belong to the same class. Atienza spewed words wackily, you embellished, she schemed,” ayon sa tugon ni Lacson sa tweet ni Heydarian.

Binanatan din ni Lacson si Robredo na walang isang salita.

“She cited as her reason for rejecting my offer of unification her previous experience of still being voted by several supporters after WITHDRAWING. Afterwards, she reasoned out that once she has filed, there is NO WITHDRAWAL. I realized, she wasn’t after genuine unification,” dagdag ni Lacson sa kanyang tweet.

AUTHOR PROFILE