Laborer dinaganan ng firewall, patay

September 28, 2022 Jonjon Reyes 114 views

PISAK ang katawan ng isang 21-anyos na construction worker matapos mabagsakan ng firewall habang abalang nagtatrabaho sa panulukan ng Pres. Quirino Avenue at Asuncion Street sa Malate, Maynila, Martes ng hapon.

Base sa ulat na isinimite ni Det. Rey Jansen San Pedro kay Police Leutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, naganap umano ang insidente ng bandang alas-3:00 ng hapon sa nabanggit na construction site.

Abala umano sa pagt trabaho ang biktima, kasama ang dalawa pa, kabilang ang safety officer nang biglang bumagsak ang firewall ng katabing lote sa loob ng construction site dahilan para madaganan ang biktima.

Mabilis na isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Dahil dito, pansamantalang inilagak ang labi ng laborer sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE