La Consolacion College nasunog, 1 staff sugatan
SUMIKLAB ang sunog sa isang bahagi ng La Consolacion College sa Mendiola,Maynila, Miyerkules ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila (BFP-Manila), nagsimula ang sunog sa staff room sa ikalawang palapag ng paaralan.
Tumagal ng halos 30 minuto ang sunog, ayon kay BFP Manila Investigation and Intelligence Section Chief, Fire Sr Insp Alejandro Ramos.
Isang staff na stay-in sa naturang silid ang iniulat na sugatan matapos umanong mahulog sa hagdan
Walang alarma na itinaas sa sunog na naapula bandang 9:54 ng umaga
Balik naman na ang klase ng mga estudyante na lumikas bilang pag-iingat sa sunog ayon kay Ramos
Tuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog na nagdulot ng tinatayang P144,000 na halaga ng pagkasira sa ari-arian.