Kylie

Kylie, trabaho ang focus sa 2023 … fans, nag-react sa reel ng aktres na may kasamang lalaki

January 2, 2023 Jun Nardo 323 views

TRABAHO, trabaho at trabaho ang target ni Kylie Padilla this year at hindi lalaki.

Agad kasing umingay ang Marites nang maglabas ng reel si Kylie sa kanyang Instagram na naglalakad na may kasabay na para at legs ng lalaki, huh!

Ang fans ni Kylie ang nag-react sa bintang sa idolo.

Pero si Kylie, nag-tweet na lang na work ang mantra niya this year upang makapagpatayo ng bahay kung saan puwede silang mag-camp ng mga anak.

Naku, ang dati ngang dyowa na si Aljur Abrenica, tikom na tikom ang bibig tungkol sa natsitsismis sa kanyang sexy star na si AJ Raval kahit may balitang nanganak na umano ang aktres, huh!

‘FAST TALK’ NI BOY, KASADO NA

PUNUMPUNO muli ng bagong projects this year ang GMA Network.

Sa January 16 na ang simula ng TV version ng Regal movie na Underage sa GMA afternoon prime.

Sa hapon din mapapanood ang launching series ni Herlene Budol na Magandang Dilag kasama sina Benjamin Alves at Rob Gomez.

Isang Wattpad series naman na Luv Is: Caught In His Arms ang unang pasabog ng Kapuso Network sa primetime.

Kasado na rin ang talk show ni Boy Abunda na Fast Talk habang ang sitcom ni John Lloyd Cruz na Hapi ToGetHer ay magbabalik ngayong January.

AUTHOR PROFILE