Enca

Kylie, Sanya at Gabbi, pambato ng GMA sa 2023

December 7, 2022 Jun Nardo 200 views

MEGASERYE sa 2023 ang pakulo ng GMA Network sa inanunsyong bagong series na pagsasamahan nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Kumalat na sa social media na ang seryeng magtatampok sa tatlo ay pinamagatang Urduja’s Jewels.

Mukhang si Sanya ang lalabas na Urduja, ayon sa reports.

Eh, ang nakakaintriga sa series, makakasama ni Kylie ang brother-in-law niyang si Vin Abrenica, huh! Brother ng ex-husband niyang si Aljur.

Sa interview naman ni Kylie, walang kinalaman ang pagsasama nila ni Vin sa nangyari sa kanila ni Aljur.

Para sa kanya, ang mga anak niya kay Aljur ang mas mahalaga ngayon at ang kanyang trabaho.

Teka, sa 2023 rin ipalalabas ang Voltes V Legacy, huh!

Mas malaki ba ang Urduja’s Jewels kesa sa live adaptation nito ng Voltes V?

MAVY, DINENAY NI KYLINE

ITINANGGI ni Kyline Alcantara na in a relationship na sila ng Sparkle artist na si Mavy Legaspi.

“Inspired lang ako, pero wala kaming relasyon ni Mavy. R-E-E-L ang spelling ng tawag sa amin at hindi real,” sabi ni Kyline nang makausap namin sa launching niya bilang endorser ng beauty product na You Glow Babe.

“Bata pa po ako,” rason pa ng Kapuso artist, pero alam niyang may bagong TV series si Mavy habang siya ay wala pa.

Naku pasasaan ba’t sa isang relasyon din mauuwi ang loveteam nina Kyline at Mavy.

AUTHOR PROFILE