Kyliealjur

KYLIE, PINABABALIK NI ROBIN SA SHOWBIZ

July 12, 2021 Vinia Vivar 177 views

RobinAdvice ni Robin Padilla sa anak na si Kylie Padilla ngayong hiwalay na ito sa asawang si Aljur Abrenica ay magbalik-showbiz.

“Sabi ko, ‘mahirap ‘yung ganyan ang sitwasyon ng puso mo tapos, wala kang gagawin. Dapat mag-ensayo ka, ibalik mo ‘yung fighting (form) mo, kasi ‘yun ang nakalimutan mo,’” ani Robin sa panayam niya kay Ogie Diaz.

Kinausap daw niya ang anak kamakailan at pinayuhang lumaban ulit.

“Kinausap ko ‘yan, nu’ng isang beses lang, nandito kami, bago mag-Father’s Day, sabi ko sa kanya, ‘lumaban ka ulit.’ Fighter kasi ‘yan, eh,” dagdag ng aktor.

Hanggang diyan lang daw ang kayang ipayo ni Robin at hindi na siya magbibigay ng advice tungkol sa marriage nito.

“Pagdating sa marriage, ano ba ang maia-advice ko, eh, failure rin kami ng mama niya? Anong credibility ko?”

But if there’s one thing, pinayuhan ni Binoe si Kylie na maging Muslim na lang din na tulad niya si Aljur.

“Sabi ko nga, ‘pag-Muslim-in mo na lang si Aljur,’” sambit niya.

Matatandaang ibinunyag ni Binoe sa naturang panayam kay Ogie na may ibang babae si Aljur na naging dahilan ng hiwalayan.

As we all know, ang mga Muslim ay allowed na magkaroon ng mahigit sa isang asawa.

Pero sa kabila nito, pabor pa rin naman si Binoe kung magkakaayos ang dalawa.

“Pero sana, huwag tumagal. Kung magbabalikan sila, ‘wag nilang patagalin. Kailangan, kaagad,” aniya.

Sa obserbasyon ni Ogie na gusto pa rin ni Binoe si Aljur sa kabila ng lahat, katwiran ng aktor, “May anak siya, eh.”

AUTHOR PROFILE