Kylie nagsuot lang ng ‘dahon’ sa b-day party
SI FORMER beauty queen Kylie Verzosa ang may birthday pero tila siya pa ang may regalo sa netizens matapos nitong ibalandra ang kanyang kurbadang katawan online.
Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Kylie ang birthday party para sa kanya. Aniya, “They threw me a surprise birthday party.”
Sa naturang post, nakasuot si Kylie ng see-through red outfit na may leafy designs. Dahil sa naturang kulay tumatagos ang pagka-morena ng kanyang balat.
Isa rin sa mga larawan nito ay ang isang picture niya habang tampok ang back part ng kanyang katawan.
Umani ng papuri at pagbati ang comment section. Narito ang ilang koment ng mga netizen:
“So pretty naman.”
“So ganda at so cute.”
“Happy birthday Kylie love your sola shapewear and also happy chinese new year!!!more blessings for you.”