Kylie

Kylie, nagsalita sa car chase incident ni Jake

October 26, 2021 Vinia Vivar 365 views

Nagsu-shooting pala sa Mindoro si Kylie Versoza nang mangyari ang car chase incident sa boyfriend niyang si Jake Cuenca kaya wala siya personally sa tabi nito although open naman ang komunikasyon nila that time kaya nalaman din niya ito agad.

“Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari, and to be really honest, sinu-shoot ko po talaga ’yung Sisid nu’ng nangyari ang incident na ‘yun. And hindi ako nakatulog,” kwento ni Kylie sa virtual mediacon ng bago niyang pelikula sa Viva na My Husband, My Lover.

“Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time for me to know the real story pero I just really feel bad for all parties involved,” dagdag ng aktres.

Matatandaang nagkaroon nga ng trauma si Jake sa nangyari pero nakaka-recover na raw ang aktor ngayon.

“Jake is getting better, he’s recovering, I’m happy na nagte-taping siya ngayon, may show siya sa ABS-CBN,” she said.

Natutuwa rin ang beauty queen-actress na naayos na pati ang problema sa pagitan ni Jake at ng mga awtoridad.

“Naayos naman na po, I think the official announcement will be sometime next week. Okay na po. So, very unfortunate event lang siya for all parties,” ani Kylie.

During those times ay magkausap daw sila ni Jake at talagang tsine-check niya ito every hour.

“Magkausap kami and happy ako na sinasagot niya pa rin ‘yung phone, na very responsive siya sa akin every time I would call. Tumatawag ako every hour to check up on him.

“I just fully support him and I know he’ll get through this,” ani Kylie.

Samantala, isa sa mga pinaka-daring na movies ng former beauty queen ang My Husband, My Lover base sa trailer.

Ginagampanan niya rito ang papel ng isang married woman pero natukso pa ring umibig sa iba.

Sa trailer pa lang ay maiinit na love scenes ni Kylie with her two leading men na sina Marco Gumabao at Adrian Alandy ang mapapanood.

Idagdag pa si Cindy Miranda na hindi rin nagpatalbog sa mga daring scene.

Mula sa direksyon ni Mac Alejandre, mapapanood na ang My Husband, My Lover sa Nov. 26 sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE