Unravel3

Kylie, nag-fan girl kay Gerald

March 30, 2023 Vinia Vivar 332 views

Hindi makapaniwala si Kylie Padilla na darating ang panahong makakapareha niya ang idol na si Gerald Anderson sa isang proyekto.

Sa mediacon/screening ng first movie team-up nila na Unravel, umamin si Kylie na dati siyang fan ng Kimerald loveteam nina Gerald at Kim Chiu at lahat ng pelikula ng dalawa ay pinanood niya.

“Nakakahiyang aminin but I was a fan,” natatawang nahihiyang sabi ni Kylie.

“Fan ako ng Kimerald,” sey niya at natatawang nag-sorry kay Gerald.

“Naging honest lang ako,” dagdag pa niya.

Pag-amin pa ng Kapuso actress, “Nanonood ako sa sine ng mga pelikula nila.”

Pero bukod nga sa fan siya ni Ge, nang maging artista siya naging Kapuso talent habang ang aktor ay nasa Kapamilya network.

Kaya naman talagang unbelievable para sa kanya nang i-offer ng MavX Productions ang Unravel.

“Siyempre, may kaba noong una. Kasi, unbelievable pa siya sa akin na makakasama ko si Gerald, and working with MavX, sobrang ano pa niya, eh, surreal.

“Ta’s noong nandu’n na ako, and then, I jumped into my character, and you know, we were both into our character, talagang tumalon na ‘ko.

And I trusted din Direk (RC de los Reyes).

“And ‘yun. I think, maganda naman ‘yung kinalabasan,” ani Kylie.

Siyempre, talagang pinilit daw niyang alisin ang pagka-fan niya habang kaeksena si Gerald.

“Siyempre, I need to be professional. Talagang tinanggal ko lahat ‘yun and nagtrabaho ako,” she said.

“Tinanggal ko talaga ‘yung fan na Kylie para makapag-focus ako. Kasi, kung magpo-focus ako du’n, ‘di ako makakaarte,” aniya pa.

Na-starstruck ba siya kay Gerald?

“Hindi lang ako makapaniwala, ‘totoo ba ‘to?’ Oo, yes, may ganu’n na nangyari. Nahulog po ako sa upuan,” sey ni Kylie.

For Gerald, ang first meeting daw nila ni Kylie ay nang mag-look-test sila noong July last year and after one week ay lumipad na sila patungong Switzerland kung saan nga kinunan ang malaking bahagi ng movie.

“Masayang katrabaho si Kylie. Nakita n’yo nga sa film kung gaano siya ka-passionate at kung gaano niya kamahal din ‘yung craft niya, ‘yung proyekto.

“Tapos, kapag nagsu-shoot ka sa abroad, kumbaga, konti lang kami. So, ang laking bagay na ‘yung mga kasama mo, ganu’n ka-professional.

“And she’s a very great representative of her network na GMA because talagang maha niya ang trabaho niya,” ani Gerald.

Ang Unravel ay tumatalakay sa controversial practice of voluntary assised death o VAD na legally condoned in other countries, particularly in Switzerland, as long as the person who wishes to die is of sound mind and is able to end their life on their own.

Ang Unravel ay isa sa official entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 8 hanggang April 18.

AUTHOR PROFILE